Presentation is loading. Please wait.

Presentation is loading. Please wait.

KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016

Similar presentations


Presentation on theme: "KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016"— Presentation transcript:

1 KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016 “Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo”” (Fil 4:13)

2 May mga sandali na nararamdaman natin ang kasiyahan, puno ng lakas at para bang ang lahat ay magaan at madali.

3 May ibang pagkakataon naman na dama natin ang hirap kaya’t nabubuhay tayo na may sama ng loob.

4 Maaaring ito ay bunga ng mga maliliit na pagkabigo na mahalin ang mga taong nasa ating paligid o kaya ay dahil sa pagkukulang na ibahagi ang uri ng ating pamumuhay sa iba.

5 Maaaring ito rin ay dahil sa pagkakasakit, problema sa pera, sa pamilya, pag-aalinlangan o pagsubok, pagkatanggal sa trabaho, dulot ng digmaan, na nagpapabigat sa atin na para bang wala na itong katapusan.

6 Ang higit pang nagpapahirap ay ang maramdaman na harapin ang mga pagsubok na ito na tayo ay nag-iisa, na walang sinumang umaalalay na maaaring magbigay ng tulong na ating higit na kailangan.

7 Kakaunting tao na tulad ni Pablo ang nakaranas ng sobrang saya at sakit, tagumpay at kakulangan ng pang-unawa. Subalit sa pagharap sa lahat ng panganib, nagawa niyang magpatuloy sa kanyang misyon na hindi nagpapadala sa kawalan ng pag-asa.

8 Siya ba ay isang superhero?
Hindi, dahil naramdaman niyang maging mahina, may mga kakulangan ngunit mayroon siyang lihim na siyang ibinahagi niya sa kanyang mga kaibigan sa Filipos: “Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.” Grecia, Filippi, i resti archeologici

9 Sa kanyang buhay natuklasan niya ang palagiang presensya ni Hesus
Sa kanyang buhay natuklasan niya ang palagiang presensya ni Hesus. Kahit na siya ay pinabayaan ng lahat, hindi niya naramdaman na siya’y nag-iisa.

10 Si Hesus ay laging nasa kanyang tabi na nagbibigay ng kapanatagan at humihimok sa kanya ng magpatuloy, na harapin ang bawat pagsubok.

11 Ang lihim ni Pablo ay maaari ring mapasaatin.

12 Maaari ko ring gawin ang lahat ng bagay kung makikilala ko rin at tatanggapin sa mga sakit ng buhay ang mahiwagang presensya ni Hesus na umaako sa mga hirap ko.

13 Kaya kong gawin ang lahat ng bagay kung nabubuhay ako sa pagkakaisa sa pagmamahalan kasama ang iba dahil naroon si Hesus sa aming piling (Mt 18:20). Ako ay inaalalayan ng lakas ng pagkakaisa.

14 Kaya kong gawin ang lahat ng bagay kung tinatanggap ko at isinasabuhay ang mga kataga ng Ebanghelyo; natutulungan ako nitong unawain ang daan na dapat kong sundan sa araw-araw. Tinuturuan ako nito kung paano mabuhay at binibigyan ako nito ng tiwala sa sarili.

15 Magkakaroon ako ng lakas na harapin hindi lamang ang mga personal na pagsubok o kaya ng aking pamilya kundi gayun din ang dulot ng mundo sa aking paligid.

16 Kakila-kilabot ang mga problema ng ating lipunan at ng mga bansa
Kakila-kilabot ang mga problema ng ating lipunan at ng mga bansa. Ang tugon na ito ay maaaring napakapayak, isang utopia subalit totoo na “ang lahat ng bagay” ay posibleng makamit dahil sa presensya ng Makapangyarihan – “lahat ng bagay” ngunit mga bagay na mabubuti lamang na isasagawa ng Diyos, sa Kanyang mahabaging pag-ibig para sa akin at para sa iba sa pamamagitan ko.

17 At kung ang mga bagay na ito ay hindi agad matutupad, maaari tayong patuloy na maniwala at umasa sa Kanyang plano ng pagmamahal na kasing lawak ng walang hanggan at tiyak na may katuparan sa anumang paraan.

18 Ang kailangan lamang nating gawin ay gumawa ng may “kasama o partner,” tulad ng itinuro ni Chiara Lubich nang iniisip niya ang saloobin ng isang taong humaharap sa pagsubok: “Wala akong magagawa para sa minamahal na taong maysakit o nasa bingit ng kapahamakan, o kaya ay sa magulong sitwasyong iyon.

19 Subalit gagawin ko kung ano ang nais ng Diyos sa akin sa sandaling ito: mag-aral ng ayos, magwalis ng ayos, taimtim na magdasal, alagaan nang maayos ang aking mga anak.

20 At bahala na ang Diyos na ayusin ang gulong ito, aaluin Niya ang nagdurusa, aayusin ang di-inaasahang pangyayari.

21 “Ganito ang paggawa nang magkasama o partnership na may ganap na pagkakaisa. Humihingi ito ng malaking pagtitiwala sa pag-ibig ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Dahil dito, magtitiwala din ang Diyos sa atin.

22 Ang pagtitiwalang ito sa bawat isa ang gagawa ng mga himala
Ang pagtitiwalang ito sa bawat isa ang gagawa ng mga himala. Makikita natin na ang hindi natin kayang gawin ay gagawin ng Diyos at higit pa sa ating inaasahan.”

23 “Ang lahat ng ito’y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo”
(Fil 4:13) Written by Fr. Fabio Ciardi OMI Graphics Anna Lollo in collaboration with Fr. Placido D’Omina (Sicily Italy) * * The Comment on the Word of Life is translated monthly in 96 linguages and dialects, reaching milions of persons all over the world Through press, radio, TV and via internet. For information visit:


Download ppt "KATAGA NG BUHAY Nobyembre 2016"

Similar presentations


Ads by Google